Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 8:4-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan;o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan?

5. Nilikha mo siyang mababa sa iyo nang kaunti,pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati.

6. Ginawa mo siyang pinuno ng lahat ng iyong nilikha,sa lahat ng mga bagay, siya ang iyong pinamahala:

7. mga tupa at kawan pati na ang mababangis,

8. lahat ng ibong lumilipad, at mga isda sa karagatan,at lahat ng nilikhang nasa karagatan.