Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 79:5-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Iyang iyong galitsa amin, O Yahweh, hanggang kailan ba kaya matatapos?Di na ba titigil ang pagkagalit mong sa ami'y tutupok?

6. Doon mo ibalingang matinding galit sa maraming bansang ayaw kang kilanlin,mga kahariang ang banal mong ngala'y ayaw na tawagin.

7. Masdan ang ginawanila sa bayan mo, ang mga lingkod mo ay pinatay nila,pati ang tahanan nila ay winasak, walang itinira.

8. Huwag mong parusahankaming mga anak, sa pagkakasala ng aming magulang,ikaw ay mahabag sa mga lingkod mong pag-asa'y pumanaw.

9. Mahabag ka sana,kami ay tulungan, Diyos na aming Tagapagligtas,dahil sa ngalan mo, kaming nagkasala'y patawaring ganap;at sa karangalan ng iyong pangalan, kami ay iligtas.