Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 78:8-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. Sa kanilang mga nuno, hindi dapat na pumaris,na matigas ang damdaming sa Diyos ay naghimagsik;isang lahing di marunong magtiwala at magtiis,ang pag-asa ay marupok at kulang ang pananalig.

9. Tulad ng Efraimita, mga pana ang sandata,sa panahon ng labana'y nagsitakas pa rin sila.

10. Ang tipan sa Panginoo'y hindi nila sinusunod,hindi sila lumalakad nang ayon sa mga utos.

11. Nakalimutan na nila ang lahat ng kabutihan,mga gawa ng ating Diyos na kanilang hinangaan.

12. Ang lahat ng gawang ito, noong una'y nasaksihan,ang nangyari sa Egipto, sa lupain nitong Zoan,

13. hinawi niya yaong dagat, doon sila pinaraan,ang tubig sa magkabila'y parang pader kung pagmasdan.

14. Kapag araw, sa paglakad naging gabay nila'y ulap,at kung gabi naman, tanglaw ay apoy na maliwanag.

15. May tubig na iniinom kahit sila nasa ilang,sa batuha'y umaagos na likas sa kalaliman.

16. Mula roon sa batuhan, ang tubig ay umaagos,daloy nito kung pagmasdan, katulad ay isang ilog.

17. Ngunit sila'y patuloy rin sa kanilang kasalanan,sinusuway nila ang Diyos habang sila'y nasa ilang.

18. Sadya nilang sinusubok, ginagalit nila ang Diyos;ang hiningi ay pagkaing gustung-gusto nilang lubos.

19. Kinalaban nila ang Diyos nang sabihin ang ganito:“Sa gitna ba nitong ilang mabubusog niya tayo?

20. Nang hampasin yaong bato, oo't tubig ay bumukal,dumaloy ang mga batis, tubig doon ay umapaw;ngunit ito yaong tanong, tayo kaya'y mabibigyanng tinapay na masarap at ng karneng kailangan?”