Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 78:63-66 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

63. Kanilang mga binata ay nasawi sa labanan,dalaga mang magaganda'y wala nang mapangasawa.

64. Pati mga pari nila, sa patalim ay napuksa,ang kanilang mga balo'y ni ayaw nang magluksa.

65. Parang tulog na gumising, si Yahweh ay nagbangon, ang katawan ay masigla, tumayo ang Panginoon;parang taong nagpainit sa alak na iniinom.

66. Pinaurong ang kaaway, lahat niyang katunggali,napahiya silang lahat, pawang galit na umuwi.