Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 78:62-70 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

62. Nagalit sa kanyang baya't ibinigay sa kaaway,kaya naman ang marami sa kanila ay namatay.

63. Kanilang mga binata ay nasawi sa labanan,dalaga mang magaganda'y wala nang mapangasawa.

64. Pati mga pari nila, sa patalim ay napuksa,ang kanilang mga balo'y ni ayaw nang magluksa.

65. Parang tulog na gumising, si Yahweh ay nagbangon, ang katawan ay masigla, tumayo ang Panginoon;parang taong nagpainit sa alak na iniinom.

66. Pinaurong ang kaaway, lahat niyang katunggali,napahiya silang lahat, pawang galit na umuwi.

67. Maging ang lahi ni Jose, sadya niyang itinakwil,at di niya pinagbigyan pati lahi ni Efraim.

68. Sa halip, pinili niya'y ang sambahayan ni Juda,at ang bundok naman ng Zion ang tirahang minahal niya.

69. Doon niya itinayo yaong banal na santuwaryo,katulad ng nasa langit na tahanan niyang dako;lubos niyang pinatatag na tulad ng mundong ito.

70. Ang kinuhang pangunahi'y sa mahirap pa hinugot,isang pastol ang napili, si David na kanyang lingkod.