Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 78:60-67 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

60. Kaya't kanyang iniwanan ang tahanang nasa Shilo,yaong toldang tirahan niya sa gitna ng mga tao.

61. Sagisag ng kanyang lakas, ang Kaban ng kanyang Tipan,binayaan na mahulog at makuha ng kaaway.

62. Nagalit sa kanyang baya't ibinigay sa kaaway,kaya naman ang marami sa kanila ay namatay.

63. Kanilang mga binata ay nasawi sa labanan,dalaga mang magaganda'y wala nang mapangasawa.

64. Pati mga pari nila, sa patalim ay napuksa,ang kanilang mga balo'y ni ayaw nang magluksa.

65. Parang tulog na gumising, si Yahweh ay nagbangon, ang katawan ay masigla, tumayo ang Panginoon;parang taong nagpainit sa alak na iniinom.

66. Pinaurong ang kaaway, lahat niyang katunggali,napahiya silang lahat, pawang galit na umuwi.

67. Maging ang lahi ni Jose, sadya niyang itinakwil,at di niya pinagbigyan pati lahi ni Efraim.