Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 78:6-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Sa lahat ng lahi nila ito'y dapat na iaral,at ang angkang susunod pa ay marapat na turuan.

7. Sa ganito, masusunod nilang lagi yaong utos,ang matatag na pag-asa'y ilalagak nila sa Diyos,at ang dakila niyang gawa'y hindi nila malilimot.

8. Sa kanilang mga nuno, hindi dapat na pumaris,na matigas ang damdaming sa Diyos ay naghimagsik;isang lahing di marunong magtiwala at magtiis,ang pag-asa ay marupok at kulang ang pananalig.

9. Tulad ng Efraimita, mga pana ang sandata,sa panahon ng labana'y nagsitakas pa rin sila.

10. Ang tipan sa Panginoo'y hindi nila sinusunod,hindi sila lumalakad nang ayon sa mga utos.

11. Nakalimutan na nila ang lahat ng kabutihan,mga gawa ng ating Diyos na kanilang hinangaan.