Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 78:57-61 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

57. katulad ng nuno nila sila'y kusang tumalikod,nagtaksil na wari'y panang lumipad nang walang taros.

58. Nanibugho itong Diyos, sa kanila ay nagalit,nang makita ang dambana ng larawang iniukit.

59. Sumama ang loob niya noong ito ay mamasid,itinakwil ang Israel sa tindi ng kanyang galit.

60. Kaya't kanyang iniwanan ang tahanang nasa Shilo,yaong toldang tirahan niya sa gitna ng mga tao.

61. Sagisag ng kanyang lakas, ang Kaban ng kanyang Tipan,binayaan na mahulog at makuha ng kaaway.