Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 78:55-64 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

55. Itinaboy niyang lahat ang naroong namamayan,pinaghati-hati niya ang lupaing naiwanan;sa kanilang mga tolda ang Israel ay nanahan.

56. Ngunit sila'y naghimagsik sa Kataas-taasang Diyos,hindi nila iginalang ang kanyang mga utos;

57. katulad ng nuno nila sila'y kusang tumalikod,nagtaksil na wari'y panang lumipad nang walang taros.

58. Nanibugho itong Diyos, sa kanila ay nagalit,nang makita ang dambana ng larawang iniukit.

59. Sumama ang loob niya noong ito ay mamasid,itinakwil ang Israel sa tindi ng kanyang galit.

60. Kaya't kanyang iniwanan ang tahanang nasa Shilo,yaong toldang tirahan niya sa gitna ng mga tao.

61. Sagisag ng kanyang lakas, ang Kaban ng kanyang Tipan,binayaan na mahulog at makuha ng kaaway.

62. Nagalit sa kanyang baya't ibinigay sa kaaway,kaya naman ang marami sa kanila ay namatay.

63. Kanilang mga binata ay nasawi sa labanan,dalaga mang magaganda'y wala nang mapangasawa.

64. Pati mga pari nila, sa patalim ay napuksa,ang kanilang mga balo'y ni ayaw nang magluksa.