Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 78:48-55 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

48. Nang ulanin na ng yelo, mga baka ay namatay,sa talim ng mga kidlat namatay ang mga kawan.

49. Sa ganito ay nadama ang matinding poot ng Diyos,kaya sila ay winasak sa sama ng kanyang loob,mga anghel ang gumanap ng parusang sunod-sunod.

50. Ang matinding galit ng Diyos hindi niya pinigilan,yaong naging wakas nila'y humantong sa kamatayan;dahilan sa isang salot, buhay nila ay pumanaw.

51. Yaong lahat na panganay sa Egipto ay pinatay,ang panganay na lalaki sa Egiptong lahi ni Ham.

52. Tinipon ang kanyang hirang na animo'y mga tupa,inakay sa lupaing ilang sa kanyang pangunguna.

53. Inakay nga at naligtas, kaya naman di natakot,samantalang ang kanilang kaaway ay nangalunod.

54. Inihatid sila ng Diyos sa lupain niyang banal,sa bundok na mismong siya ang kumuha sa kaaway.

55. Itinaboy niyang lahat ang naroong namamayan,pinaghati-hati niya ang lupaing naiwanan;sa kanilang mga tolda ang Israel ay nanahan.