Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 78:39-50 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

39. Nagunita pa ni Yahweh, sila'y mga tao lamang,hanging di na nagbabalik matapos na makaraan.

40. Madalas na nag-aalsa noong sila'y nasa ilang;ang ganitong gawa nila'y labis niyang dinaramdam.

41. Lagi siyang sinusubok, hindi sila tumitigil,ginagalit nilang lagi itong Banal na Diyos ng Israel.

42. Ang kapangyarihan niya'y ayaw nilang gunitain,gayong sila'y iniligtas sa kaaway nilang taksil.

43. Ang ginawa nitong Diyos na lubos na hinangaan,ay nangyari sa Egipto sa lupain nitong Zoan.

44. Yaong mga ilog doo'y naging dugong umaagos,kaya walang makainom sa batis at mga ilog.

45. Makapal na mga langaw at palaka ang dumating,nataranta silang lahat, di malaman ang gagawin.

46. Dumating ang maninira sa taniman ng halaman,mga tanim ay kinain ng balang na di mabilang.

47. Pati tanim na ubasa'y winasak ng ulang yelo,anupa't sa kalamiga'y namatay ang sikamoro.

48. Nang ulanin na ng yelo, mga baka ay namatay,sa talim ng mga kidlat namatay ang mga kawan.

49. Sa ganito ay nadama ang matinding poot ng Diyos,kaya sila ay winasak sa sama ng kanyang loob,mga anghel ang gumanap ng parusang sunod-sunod.

50. Ang matinding galit ng Diyos hindi niya pinigilan,yaong naging wakas nila'y humantong sa kamatayan;dahilan sa isang salot, buhay nila ay pumanaw.