Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 78:37-43 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

37. Sa kanilang mga puso, naghahari'y kataksilan,hindi sila naging tapat sa ginawa niyang tipan.

38. Gayon pa man, palibhasa'y Diyos siyang mahabagin,ang masamang gawa nila'y kanyang pinatawad pa rin;dahilan sa pag-ibig niya'y hindi sila wawasakin,kung siya ma'y nagagalit, ito'y kanyang pinipigil.

39. Nagunita pa ni Yahweh, sila'y mga tao lamang,hanging di na nagbabalik matapos na makaraan.

40. Madalas na nag-aalsa noong sila'y nasa ilang;ang ganitong gawa nila'y labis niyang dinaramdam.

41. Lagi siyang sinusubok, hindi sila tumitigil,ginagalit nilang lagi itong Banal na Diyos ng Israel.

42. Ang kapangyarihan niya'y ayaw nilang gunitain,gayong sila'y iniligtas sa kaaway nilang taksil.

43. Ang ginawa nitong Diyos na lubos na hinangaan,ay nangyari sa Egipto sa lupain nitong Zoan.