Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 78:32-39 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

32. Sa ganitong gawa ng Diyos, sunod-sunod na himala,ganti nila ay paglabag, hindi pa rin naniwala.

33. Kaya't yaong pasya ng Diyos, ang araw ay wakasan na,bigla-biglang paratingin sa kanila ang parusa.

34. Subalit noong sila ay lilipulin na ng Diyos,nagsisi ang karamiha't sa kanya'y nagbalik-loob.

35. Noon nila nagunitang ang sanggalang nila'y ang Diyos,ang Kataas-taasang Diyos ay kanilang Manunubos.

36. Kaya't siya ay pinuri, ng papuring hindi tapat,pagkat yao'y pakunwari't balatkayong matatawag.

37. Sa kanilang mga puso, naghahari'y kataksilan,hindi sila naging tapat sa ginawa niyang tipan.

38. Gayon pa man, palibhasa'y Diyos siyang mahabagin,ang masamang gawa nila'y kanyang pinatawad pa rin;dahilan sa pag-ibig niya'y hindi sila wawasakin,kung siya ma'y nagagalit, ito'y kanyang pinipigil.

39. Nagunita pa ni Yahweh, sila'y mga tao lamang,hanging di na nagbabalik matapos na makaraan.