Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 78:28-37 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

28. Sa gitna ng kampo nila ay doon na bumabagsak,sa palibot ng tolda ay doon nila kinakalap.

29. Kinakain nila ito, nasisiyahan silang lahat,binibigyan sila ng Diyos ng pagkaing hinahangad.

30. Ngunit habang kinakain ang pagkaing idinulot,at hindi pa tumitigil pagkat di pa nabubusog,

31. pagkagalit sa nangyari, ipinakita ng Diyos,sa kanilang kabataan, parusa niya'y ibinuhos;ang mga malalakas at mga magagaling, buhay nila'y tinapos.

32. Sa ganitong gawa ng Diyos, sunod-sunod na himala,ganti nila ay paglabag, hindi pa rin naniwala.

33. Kaya't yaong pasya ng Diyos, ang araw ay wakasan na,bigla-biglang paratingin sa kanila ang parusa.

34. Subalit noong sila ay lilipulin na ng Diyos,nagsisi ang karamiha't sa kanya'y nagbalik-loob.

35. Noon nila nagunitang ang sanggalang nila'y ang Diyos,ang Kataas-taasang Diyos ay kanilang Manunubos.

36. Kaya't siya ay pinuri, ng papuring hindi tapat,pagkat yao'y pakunwari't balatkayong matatawag.

37. Sa kanilang mga puso, naghahari'y kataksilan,hindi sila naging tapat sa ginawa niyang tipan.