Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 78:26-35 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

26. Yaong ihip ng amihan, ay siya rin ang nag-utos,sa taglay na lakas niya'y dumating ang hanging timog.

27. Ang pagkain nilang karne'y masaganang dumarating,makapal na mga ibon na sindami ng buhangin.

28. Sa gitna ng kampo nila ay doon na bumabagsak,sa palibot ng tolda ay doon nila kinakalap.

29. Kinakain nila ito, nasisiyahan silang lahat,binibigyan sila ng Diyos ng pagkaing hinahangad.

30. Ngunit habang kinakain ang pagkaing idinulot,at hindi pa tumitigil pagkat di pa nabubusog,

31. pagkagalit sa nangyari, ipinakita ng Diyos,sa kanilang kabataan, parusa niya'y ibinuhos;ang mga malalakas at mga magagaling, buhay nila'y tinapos.

32. Sa ganitong gawa ng Diyos, sunod-sunod na himala,ganti nila ay paglabag, hindi pa rin naniwala.

33. Kaya't yaong pasya ng Diyos, ang araw ay wakasan na,bigla-biglang paratingin sa kanila ang parusa.

34. Subalit noong sila ay lilipulin na ng Diyos,nagsisi ang karamiha't sa kanya'y nagbalik-loob.

35. Noon nila nagunitang ang sanggalang nila'y ang Diyos,ang Kataas-taasang Diyos ay kanilang Manunubos.