Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 78:19-30 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

19. Kinalaban nila ang Diyos nang sabihin ang ganito:“Sa gitna ba nitong ilang mabubusog niya tayo?

20. Nang hampasin yaong bato, oo't tubig ay bumukal,dumaloy ang mga batis, tubig doon ay umapaw;ngunit ito yaong tanong, tayo kaya'y mabibigyanng tinapay na masarap at ng karneng kailangan?”

21. Nang marinig ang ganito, si Yahweh nama'y nag-init,sa hinirang niyang bansa'y nag-apoy ang kanyang galit.

22. Pagkat sila ay ayaw nang sa Diyos ay magtiwala,sa pangakong pagliligtas ay ayaw nang maniwala.

23. Gayon pa man, itong Diyos nag-utos sa kalangitan,at ang mga pinto nito'y agad-agad na nabuksan.

24. Bunga nito, ang pagkai'y bumuhos na parang ulan,ang pagkain nilang manna, sa kanila'y ibinigay.

25. Ang kaloob na pagkai'y pagkain ng mga anghel,hindi sila nagkukulang, masagana kung dumating.

26. Yaong ihip ng amihan, ay siya rin ang nag-utos,sa taglay na lakas niya'y dumating ang hanging timog.

27. Ang pagkain nilang karne'y masaganang dumarating,makapal na mga ibon na sindami ng buhangin.

28. Sa gitna ng kampo nila ay doon na bumabagsak,sa palibot ng tolda ay doon nila kinakalap.

29. Kinakain nila ito, nasisiyahan silang lahat,binibigyan sila ng Diyos ng pagkaing hinahangad.

30. Ngunit habang kinakain ang pagkaing idinulot,at hindi pa tumitigil pagkat di pa nabubusog,