1. Kayo ngayon ay makinig sa turo ko, mga anak,inyong dinggi't ulinigin, salita kong binibigkas.
2. Itong aking sasabihin ay bagay na talinhaga,nangyari pa noong una, kaya ito'y mahiwaga.
3. Ito'y aming narinig na, kaya naman aming alam,nagbuhat sa aming nuno na sa ami'y isinaysay.