Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 77:3-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Nagunita ko ang Diyos, kaya ako ay dumaing,ako'y nagdidili-dili ngunit ako'y bigo pa rin. (Selah)

4. Hindi ako patulugin, waring ito ay parusa,hindi ako makaimik, pagkat ako ay balisa.

5. Nagbalik sa gunita ko ang nagdaang mga araw,nanariwa sa isip ko ang panahong nakaraan;

6. ako'y nagbubulay-bulay sa silid ko gabi-gabi,ang diwa ko ay gising at tinatanong ang sarili:

7. “Ako baga, Panginoo'y lubusan mong itatakwil?Di mo na ba ibabalik sa akin ang iyong pagtingin?

8. Ang iyo bang pagmamahal sa amin ay nagwakas na?Hindi na ba maaaring sa pangako mo'y umasa?

9. Yaong kagandahang-loob mo ba ay nakalimutan mo na?Dahilan sa iyong galit, ang awa mo'y wala na ba?” (Selah)

10. Ganito ang aking sabi: “Ang sakit ng aking loob,para bagang mahina na't walang lakas ang aking Diyos.”

11. Kaya aking babalikang gunitain ang ginawa,ang maraming ginawa mong tunay na kahanga-hanga.

12. Sa lahat ng ginawa mo, ako'y magbubulay-bulay,magbubulay-bulay ako, sa diwa ko at isipan.