Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 77:11-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Kaya aking babalikang gunitain ang ginawa,ang maraming ginawa mong tunay na kahanga-hanga.

12. Sa lahat ng ginawa mo, ako'y magbubulay-bulay,magbubulay-bulay ako, sa diwa ko at isipan.

13. Ang daan mo, Panginoon, ay tunay na daang banal,at wala nang ibang diyos na sa iyo'y ipapantay.

14. Ikaw ang Diyos na ang gawa'y tunay na kahanga-hanga,iyang kadakilaan mo'y nahayag na sa nilikha.

15. Dahilan sa iyong lakas, mga hirang mo'y natubos,ang lahat ng mga angkan ni Jose at ni Jacob. (Selah)

16. Noong ikaw ay makita ng maraming mga tubig,pati yaong kalaliman ay natakot at nanginig.

17. Magmula sa mga ulap mga ulanay bumuhos,at mula sa papawirin, nanggaling ang mga kulogna katulad ay palasong sumisibat sa palibot.

18. Dagundong na gumugulong ang ingay na idinulot,ang guhit ng mga kidlat ay tanglaw sa sansinukob;pati mundo ay nayanig na para bang natatakot.

19. Ang landas mong dinaraana'y malawak na karagatan,ang daan mong tinatahak ay dagat na kalawakan;ngunit walang makakita ng bakas mong iniiwan.

20. Ikaw, O Diyos, ang nanguna sa bayan mong parang kawan,si Moises at si Aaron yaong iyong naging kamay!