Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 77:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sa Diyos ako ay tumawag, at dumaing nang malakas,ganoon ang aking daing upang ako'y dinggin agad.

2. Hinanap ko'y Panginoon sa panahong may bagabag,hindi ako napagod, dumalangin na magdamag,ngunit di ko nasumpungan ang aliw kong hinahangad.

3. Nagunita ko ang Diyos, kaya ako ay dumaing,ako'y nagdidili-dili ngunit ako'y bigo pa rin. (Selah)

4. Hindi ako patulugin, waring ito ay parusa,hindi ako makaimik, pagkat ako ay balisa.

5. Nagbalik sa gunita ko ang nagdaang mga araw,nanariwa sa isip ko ang panahong nakaraan;