Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 76:7-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Ikaw, O Yahweh, kinatatakutan!Sino ang tatayo sa iyong harapankapag nagalit ka sa mga kinapal?

8. Sa iyong paghatol na mula sa langit,ang lahat sa mundo'y takot at tahimik.

9. Nang ika'y tumayo't gawin ang paglitis,naligtas ang mga api sa daigdig. (Selah)

10. Ang matinding galit sa iyo ng tao, hahantong na lahat sa pagpuri sa iyo.Silang nangaligtas sa mga labanan, laging magpupuri at mangagdiriwang.

11. Mga pangako mo kay Yahweh, iyong Diyos, ay iyong tuparin nang tapat sa loob;dapat na magdala ng mga kaloob ang lahat ng bansa sa iyong palibot.

12. Hambog na prinsipe ay ibinababâ,tinatakot niya hari mang dakila.