Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 76:4-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. O Diyos, dakila ka, ikaw ay maringalhigit pa sa matatag na kabundukan.

5. Walang magawâ, matatapang na kawal, binawi ng Diyos ang taglay na samsam;nahihimbing sila at nakahandusay,mga lakas nila, lahat ay pumanaw.

6. Nang ika'y magalit, O Diyos ni Jacob,sakay at kabayo'y pawang nangalugmok.

7. Ikaw, O Yahweh, kinatatakutan!Sino ang tatayo sa iyong harapankapag nagalit ka sa mga kinapal?

8. Sa iyong paghatol na mula sa langit,ang lahat sa mundo'y takot at tahimik.

9. Nang ika'y tumayo't gawin ang paglitis,naligtas ang mga api sa daigdig. (Selah)

10. Ang matinding galit sa iyo ng tao, hahantong na lahat sa pagpuri sa iyo.Silang nangaligtas sa mga labanan, laging magpupuri at mangagdiriwang.