1. Tunay na si Yahweh'y kilala sa Juda,sa buong Israel, dakilang talaga;
2. nasa Jerusalem ang tahanan niya,sa Bundok ng Zion, doon tumitira.
3. Lahat ng sandata ng mga kaaway,mga pana't sundang, baluting sanggalang, doon niya sinirang walang pakundangan. (Selah)
4. O Diyos, dakila ka, ikaw ay maringalhigit pa sa matatag na kabundukan.
5. Walang magawâ, matatapang na kawal, binawi ng Diyos ang taglay na samsam;nahihimbing sila at nakahandusay,mga lakas nila, lahat ay pumanaw.
6. Nang ika'y magalit, O Diyos ni Jacob,sakay at kabayo'y pawang nangalugmok.
7. Ikaw, O Yahweh, kinatatakutan!Sino ang tatayo sa iyong harapankapag nagalit ka sa mga kinapal?