3. Itong mundong ito'y kahit na mayanig,maubos ang tao dito sa daigdig,ang saligan nito'y aking ititindig.” (Selah)
4. “Sabi ko sa hambog sila ay mag-ingat, at ang masasama'y huwag magpasikat.
5. Ang pagmamalaki'y dapat na iwasan, kung magsasalita'y gawing malumanay.”
6. Hindi sa silangan, hindi sa kanluran,hindi rin sa timog o sa hilaga man magmumula, hatol na inaasahan.
7. Tanging Diyos lamang ang siyang hahatol,sa mapapahamak o sa magtatagumpay.
8. Si Yahweh na Diyos ay may kopang hawak,sariwa't matapang yaong lamang alak;ipauubaya niyang ito'y tunggainng taong masama, hanggang sa ubusin.
9. Subalit ako ay laging magagalak;ang Diyos ni Jacob, aking itataas.
10. Lakas ng masama'y papatiding lahat,sa mga matuwid nama'y itataas!