Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 74:4-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Ang loob ng iyong templo'y hindi nila iginalang,sumisigaw na nagtayo ng kanilang diyus-diyosan.

5. Ang lahat ng nasa loob na yari sa mga kahoy,magmula sa pintuan mo'y sinibak at pinalakol.

6. Ang lahat ng inukitang mga kahoy sa paligid,pinalakol at dinurog ng kaaway na malupit.

7. Ang iyong banal na santuwaryo ay kanilang sinigaan,nilapastangan nila't winasak ang templong banal.

8. Sa kanilang pag-uusap ay nagpasya ng ganito, “Hindi natin sila titigilan hanggang di pa natatalo;”kaya sa buong lupain, ang tagpuan ng bayan mo, para ikaw ay sambahin, sinunog at naging abo.

9. Wala kaming pangitain, ni propetang naglilingkod,ang ganitong kalagaya'y hindi namin maunawaan,hindi namin nalalaman kung kailan matatapos.

10. Hanggang kailan, aming Diyos, magtatawa ang kaaway,ang paghamak nila sa iyo, ito ba ay walang hanggan?

11. Huwag mo nang pipigilan, gamitin mo ang iyong bisig,kanang kamay mo'y ikilos, kaaway mo ay iligpit.

12. Simula pa noong una ikaw na ang aming Hari, O Diyos.Sa daigdig ay maraming iniligtas ka't tinubos.

13. Sa lakas na iyong taglay hinati mo yaong dagat,at ang mga naroroong dambuhala ay inutas;

14. ikaw na rin ang dumurog sa mga ulo ng Leviatan,at ginawa mong pagkain ng mga nilikhang nasa ilang.

15. Mga batis, mga bukal, ikaw rin ang nagpadaloy,ginawa mong tuyong lupa ang maraming ilog doon.