Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 74:13-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Sa lakas na iyong taglay hinati mo yaong dagat,at ang mga naroroong dambuhala ay inutas;

14. ikaw na rin ang dumurog sa mga ulo ng Leviatan,at ginawa mong pagkain ng mga nilikhang nasa ilang.

15. Mga batis, mga bukal, ikaw rin ang nagpadaloy,ginawa mong tuyong lupa ang maraming ilog doon.

16. Nilikha mo yaong araw, nilikha mo pati gabi,nilikha mo yaong araw, buwa't talang anong dami.

17. Ang hangganan ng daigdig ay ikaw rin ang naglagay,at ikaw rin ang lumikha ng taglamig at tag-araw.

18. Ngunit iyong gunitaing nagtatawa ang kaaway,yaong mga masasama'y dumudusta sa iyong ngalan;

19. huwag mo sanang tutulutan na ang iyong mga lingkod maiwan sa kaaway na ang kamay walang taros,sa kanilang pagdurusa'y gunitain silang lubos.

20. Yaong tipang ginawa mo ay huwag mong lilimutin,ang masama'y naglipana sa pook na madidilim, laganap ang karahasan kahit saan sa lupain!

21. Huwag mo sanang itutulot na ang api'y mapahiya,bayaan mong ang ngalan mo'y purihin ng dukha't abâ.