8. mga ibang tao'y pinagtatawanan, ang yayabang nila,ang layon sa buhay ay ang pang-aapi sa kapwa nilalang.
9. Diyos mang nasa langit ay tinutungayaw,labis kung mag-utos sa mga nilalang;
10. kaya sumusunod pati lingkod ng Diyos,anumang sabihi'y paniwalang lubos.
11. Ang sabi, “Ang Diyos walang nalalaman,walang malay yaong Kataas-taasan.”
12. Ang mga masama'y ito ang kagaya,di na kinukulang ay naghahanap pa.
13. Samantalang ako, malinis ang palad,hindi nagkasala't lubos na nag-ingat, at aking natamo'y kabiguang lahat.
14. Diyos, pinagtiis mo ako ng hirap,sa tuwing umaga'y parusa ang gawad.
15. Kung ang mga ito'y aking sasabihin,sa mga lingkod mo, ako'y magtataksil;
16. kaya't sinikap kong ito'y saliksikin,mahirap-hirap mang ito'y unawain.
17. Gayunman, sa templo'y doon ko natuklas,na ang masasama ay mapapahamak;