Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 73:26-28 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

26. Puso ko't kaluluwa kung nanghihina man,ang Diyos ang lakas kong tanging kailangan.

27. Yaong hihiwalay sa iyo'y mamamatay,at ang nagtataksil wawasaking tunay.

28. Ngunit sa sarili, tanging hangarin ko, sa piling ng Diyos manatili ako!Sa piling ng Panginoong Yahweh, ako'y mapanatag,ang kanyang ginawa'y aking ihahayag.