Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 73:18-26 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. dinala mo sila sa dakong madulas,upang malubos na, kanilang pagbagsak;

19. walang abug-abog sila ay nawasak,kakila-kilabot yaong naging wakas!

20. Parang panaginip nang ako'y magising,pati anyo nila'y nalimutan na rin.

21. Nang ang aking isip hindi mapalagay,at ang damdamin ko'y labis na nasaktan,

22. di ko maunawa, para akong tanga,sa iyong harapa'y hayop ang kagaya.

23. Gayon pa ma'y sinasamahan mo ako,sa aking paglakad ay inaakay mo.

24. Ang mga payo mo'y umakay sa akin,marangal na ako'y iyong tatanggapin.

25. Sino pa sa langit, kundi ikaw lamang,at maging sa lupa'y, aking kailangan?

26. Puso ko't kaluluwa kung nanghihina man,ang Diyos ang lakas kong tanging kailangan.