12. Ang mga masama'y ito ang kagaya,di na kinukulang ay naghahanap pa.
13. Samantalang ako, malinis ang palad,hindi nagkasala't lubos na nag-ingat, at aking natamo'y kabiguang lahat.
14. Diyos, pinagtiis mo ako ng hirap,sa tuwing umaga'y parusa ang gawad.
15. Kung ang mga ito'y aking sasabihin,sa mga lingkod mo, ako'y magtataksil;
16. kaya't sinikap kong ito'y saliksikin,mahirap-hirap mang ito'y unawain.
17. Gayunman, sa templo'y doon ko natuklas,na ang masasama ay mapapahamak;
18. dinala mo sila sa dakong madulas,upang malubos na, kanilang pagbagsak;
19. walang abug-abog sila ay nawasak,kakila-kilabot yaong naging wakas!
20. Parang panaginip nang ako'y magising,pati anyo nila'y nalimutan na rin.
21. Nang ang aking isip hindi mapalagay,at ang damdamin ko'y labis na nasaktan,