1. Kay buti ng Diyos sa taong matuwid,sa lahat ng taong ang puso'y malinis.
2. Ngunit ang sarili'y halos bumagsak,sa paghakbang ko'y muntik nang madulas!
3. Sa taong mayabang, ako'y naiinggit nga,at sa biglang yaman ng mga masama.
4. Ni hindi nagdanas ng anumang hirap,sila'y masisigla't katawa'y malakas.