1. Turuan mo po ang haring humatol nang makat'wiran,sa taglay mong katarungan, O Diyos, siya'y bahaginan;
2. nang matuwid na tuparin tungkulin sa iyong bayan,at pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay.
3. Ang lupain nawa niya'y umunlad at managana;maghari ang katarungan sa lupain nitong bansa.
4. Maging tapat itong hari sa paghatol sa mahirap,mga nangangailangan, pag-ukulan ng paglingap;at ang nang-aapi ay lupigin at ibagsak.