Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 72:1-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Turuan mo po ang haring humatol nang makat'wiran,sa taglay mong katarungan, O Diyos, siya'y bahaginan;

2. nang matuwid na tuparin tungkulin sa iyong bayan,at pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay.

3. Ang lupain nawa niya'y umunlad at managana;maghari ang katarungan sa lupain nitong bansa.

4. Maging tapat itong hari sa paghatol sa mahirap,mga nangangailangan, pag-ukulan ng paglingap;at ang nang-aapi ay lupigin at ibagsak.

5. Nawa sila ay maglingkod, silang lahat mong hinirang,hangga't araw sumisikat, hangga't buwa'y sumisilang.

6. Ang hari sana'y matulad sa ulan ng kaparangan;bumubuhos, dumidilig sa lahat ng nabubuhay.

7. At ang buhay na matuwid sa kanyang kapanahunan,maghari sa bansa niya't umunlad kailanpaman.

8. Nawa kanyang kaharian ay lubusan ngang lumawak,mula sa Ilog Eufrates, sa daigdig ay kakalat.

9. Sa harap niya ay susuko mga taong nasa ilang;isubsob nga sa lupa, lahat ng kanyang kaaway.

10. Mga haring nasa pulo at naroon sa Espanya, maghahandog ng kaloob upang parangalan siya.Pati rin ang mga hari ng Arabia at Etiopia, may mga kaloob ding ibibigay sa kanya.