Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 71:6-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Sa simula at mula pa wala akong inasahangsa akin ay mag-iingat, kundi tanging ikaw lamang;kaya naman ikaw, Yahweh, pupurihin araw-araw.

7. Sa marami ang buhay ko ay buhay na mahiwaga,malakas kang katulong ko na di nila maunawa;

8. kaya ako'y nagpupuri, nagpupuri buong araw,akin ngayong ihahayag ang taglay mong karangalan.

9. Ngayong ako'y matanda na huwag mo akong pabayaan,katawan ko'y mahina na kaya ako'y huwag iiwan.

10. Ang lahat ng kaaway ko, nais ako ay patayin,ang palaging balak nila ay ako ang kalabanin.

11. Ang kanilang sinasabi, ako raw ay iniwanan,iniwan na ako ng Diyos, kaya nila sinusundan;ako raw ay mabibihag dahil wala nang sanggalang.

12. Panginoon at aking Diyos, huwag mo akong lalayuan,lumapit ka sa piling ko't ako ngayon ay tulungan!

13. Nawa silang naghahangad na ako ay salakayin,lahat sila ay mawasak, at mabigo ang layunin!Maging yaong mga taong tanging nais ako'y saktan,mapahamak sanang lahat, mag-ani ng kahihiyan.