3. Ikaw nawa ang muog ko, aking ligtas na kanlungan,matatag na kublihan ko at matibay na sanggalang.
4. Sa lahat ng masasama, O Diyos, ako'y ipaglaban,sa kuko ng mababagsik, huwag mo akong pabayaan.
5. Panginoon, sa iyo ko inilagak ang pag-asa,maliit pang bata ako, sa iyo'y may tiwala na.
6. Sa simula at mula pa wala akong inasahangsa akin ay mag-iingat, kundi tanging ikaw lamang;kaya naman ikaw, Yahweh, pupurihin araw-araw.
7. Sa marami ang buhay ko ay buhay na mahiwaga,malakas kang katulong ko na di nila maunawa;
8. kaya ako'y nagpupuri, nagpupuri buong araw,akin ngayong ihahayag ang taglay mong karangalan.