Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 7:9-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Ikaw ay isang Diyos na matuwid,batid mo ang aming damdamin at pag-iisip;sugpuin mo ang gawain ng masasama,at ang mabubuti'y bigyan mo ng gantimpala.

10. Ang Diyos ang aking sanggalang;inililigtas niya ang may pusong makatarungan.

11. Ang Diyos ay isang hukom na makatarungan,at nagpaparusa sa masama sa bawat araw.

12. Kung di sila magbabago sa masasama nilang gawa,ang tabak ng Diyos ay kanyang ihahasa;pati ang kanyang pana ay kanyang ihahanda.

13. Mga pamatay na sandata ay kanyang itatakda,kanya ring iuumang ang mga palasong nagbabaga.

14. Pagmasdan mo ang masama, sa baluktot niyang isip,ipinaglilihi niya ang kalokohan at ipinanganganak niya ang kasamaan.

15. Humuhukay nang patibong para sa ibang tao,subalit siya rin mismo ang nahuhulog dito.

16. Siya rin ang may gawa sa parusang tinatanggap,sa sariling karahasan, siya ngayo'y naghihirap.

17. Pasasalamatan ko si Yahweh sa kanyang katarungan,aawitan ko ng papuri ang Kataas-taasan niyang ngalan.