1. O Yahweh, aking Diyos, sa iyo ako lumalapit,iligtas mo ako sa mga taong sa aki'y tumutugis,
2. kundi, sila'y parang leon na lalapa sa akinkung walang magliligtas, ako nga ay papatayin.
3. O Yahweh, aking Diyos, kung ako ma'y nagkasala,at kung aking mga kamay ay puminsala sa iba,
4. kung ako ay naging taksil sa tapat kong kaibigan,kung ako po'y naminsala o nang-api ng kaaway,
5. payag akong hulihin, patayin kung kailangan,iwan akong walang buhay at sa lupa'y mahandusay. (Selah)