Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 69:9-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Ang malasakit ko sa iyong tahanan, matinding-matindi sa aking kalooban;ako ang nakaranas, paghamak sa iyong pangalan.

10. Nagpapakumbabá akong nag-ayuno,at ako'y hinamak ng maraming tao;

11. ang suot kong damit, na aking panluksa,ay pinagtawana't hinamak na lubha.

12. Sa mga lansanga'y ako ang usapan,ang awit ng lasing sa aki'y pag-uyam.

13. Ngunit sa ganang akin, ako'y dadalangin,sa iyo, O Yahweh, sana'y iyong dinggin sa mga panahon na iyong ibigin.Dahil sa dakilang pag-ibig sa akin,ang iyong pangakong pagtubos ay gawin.

14. Iligtas mo ako, ako ay sagipin,sa putik na ito't tubig na malalim;sa mga kaaway, ako'y iligtas din.