Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 69:32-36 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

32. Kung makita ito nitong mga dukha,sila ay sasamba sa laki ng tuwa.

33. Dinirinig ng Diyos ang may kailangan,lingkod na bilanggo'y di nalilimutan.

34. Ang Diyos ay purihin ng langit at lupa,maging karagata't naroong nilikha!

35. Ang Lunsod ng Zion, kanyang ililigtas,bayang nasa Juda'y muling itatatag;doon mananahan ang mga hinirang, ang lupain doo'y aariing tunay.

36. Magmamana nito'y yaong lahi nila,may pag-ibig sa Diyos ang doo'y titira.