Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 69:26-33 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

26. Ang mga nagtamo ng iyong parusa, nilalait-lait, inuusig nila;pinag-uusapan sa tuwi-tuwina, ang sinugatan mo't hirap na sa dusa.

27. Itala mong lahat ang kanilang sala,sa mangaliligtas, huwag silang isama.

28. Sa aklat ng buhay, burahin ang ngalan,at huwag mong isama sa iyong talaan.

29. Naghihirap ako't mahapdi ang sugat,O Diyos, ingatan mo, ako ay iligtas!

30. Pupurihin ang Diyos, aking aawitan,dadakilain ko't pasasalamatan.

31. Sa ganitong diwa ika'y nalulugod, higit pa sa haing torong ihahandog,higit pa sa bakang ipagkakaloob.

32. Kung makita ito nitong mga dukha,sila ay sasamba sa laki ng tuwa.

33. Dinirinig ng Diyos ang may kailangan,lingkod na bilanggo'y di nalilimutan.