Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 69:18-27 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. Iligtas mo ako, ako ay lapitan;sagipin mo ako sa mga kaaway.

19. Kinukutya ako, iya'y iyong alam,sinisiraang-puri't nilalapastangan;di lingid sa iyo, lahat kong kaaway.

20. Puso ko'y durog na dahilan sa kutya,kaya naman ako'y wala nang magawâ;ang inasahan kong awa ay nawala,ni walang umaliw sa buhay kong abâ.

21. Sa halip na pagkain, nang ako'y magutom, ang dulot sa aki'y mabagsik na lason.Suka at di tubig ang ipinainom.

22. O bumagsak sana sila at masira,habang nagdiriwang sila't naghahanda.

23. Bulagin mo sila't nang di makakita,papanghinain mo ang katawan nila.

24. Ibuhos ang iyong galit sa kanila,bayaan mong ito'y kanilang madama.

25. Mga kampo nila sana ay iwanan,at walang matira na isa mang buháy.

26. Ang mga nagtamo ng iyong parusa, nilalait-lait, inuusig nila;pinag-uusapan sa tuwi-tuwina, ang sinugatan mo't hirap na sa dusa.

27. Itala mong lahat ang kanilang sala,sa mangaliligtas, huwag silang isama.