Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 69:13-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Ngunit sa ganang akin, ako'y dadalangin,sa iyo, O Yahweh, sana'y iyong dinggin sa mga panahon na iyong ibigin.Dahil sa dakilang pag-ibig sa akin,ang iyong pangakong pagtubos ay gawin.

14. Iligtas mo ako, ako ay sagipin,sa putik na ito't tubig na malalim;sa mga kaaway, ako'y iligtas din.

15. Huwag mong tulutang ako ay maanod,o dalhin sa malalim at baka malunod;hahantong sa libing, ako pagkatapos.

16. Yahweh, sa buti mo't pag-ibig sa akin, sa aking pagtawag ako sana'y dinggin,sa pagkahabag mo, ako ay lingapin.

17. Ang iyong alipi'y huwag mong pagkublihan,ibsan mo na ako sa bigat ng pasan.

18. Iligtas mo ako, ako ay lapitan;sagipin mo ako sa mga kaaway.

19. Kinukutya ako, iya'y iyong alam,sinisiraang-puri't nilalapastangan;di lingid sa iyo, lahat kong kaaway.

20. Puso ko'y durog na dahilan sa kutya,kaya naman ako'y wala nang magawâ;ang inasahan kong awa ay nawala,ni walang umaliw sa buhay kong abâ.