Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 69:1-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. O Diyos! Iligtas mo, iahon sa tubigsa pagkalubog kong abot na sa leeg;

2. lumulubog ako sa burak at putik,at sa malalaking along nagngangalit.

3. Ako ay malat na sa aking pagtawag,ang lalamunan ko, damdam ko'y may sugat;pati ang mata ko'y di na maidilat,sa paghihintay ko sa iyong paglingap.

4. Silang napopoot nang walang dahilan,higit na marami sa buhok kong taglay;mga sinungaling na nagpaparatang,ang hangad sa akin ako ay mapatay.Ang pag-aari kong di naman ninakaw,nais nilang kuni't dapat daw ibigay.

5. Batid mo, O Diyos, naging baliw ako,ako'y nagkasala, di pa lingid sa iyo.

6. Huwag mo pong tulutan na dahil sa akin,ang nagtitiwala sa iyo'y hiyain;Yahweh, Makapangyarihang Panginoon ng Israel!Huwag mo ring itulot, bigyang kahihiyan ang nagsisisamba sa iyong pangalan.

7. Ako ay nilait nang dahil sa iyo,napahiyang lubos sa kabiguan ko.

8. Sa mga kapatid parang ako'y iba,kasambahay ko na'y di pa ako kilala.

9. Ang malasakit ko sa iyong tahanan, matinding-matindi sa aking kalooban;ako ang nakaranas, paghamak sa iyong pangalan.

10. Nagpapakumbabá akong nag-ayuno,at ako'y hinamak ng maraming tao;

11. ang suot kong damit, na aking panluksa,ay pinagtawana't hinamak na lubha.

12. Sa mga lansanga'y ako ang usapan,ang awit ng lasing sa aki'y pag-uyam.