Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 68:23-35 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

23. upang kayo'y magtampisaw sa dugo na bubuhos,sa dugo nilang yaon, pati aso ay hihimod.”

24. Mamamasdan ng marami ang lakad mong matagumpay,pagpasok ng Diyos kong hari, sa may dako niyang banal.

25. Sa unaha'y umaawit, tumutugtog sa hulihan,sa gitna'y nagtatamburin ang babaing karamihan.

26. “Ang Diyos ay papurihan, kung magtipong sama-sama,buong lahi ng Israel papurihan ninyo siya!”

27. Yaong lahi ni Benjamin, maliit ma'y nangunguna,kasunod ay mga puno at pulutong nitong Juda;mga puno ng Zebulun at Neftali'y kasunod na.

28. Sana'y iyong ipadama ang taglay mong kalakasan,ang lakas na ginamit mo noong kami'y isanggalang.

29. Magmula sa Jerusalem, sa iyong tahanang templo,na pati ang mga hari doo'y naghahandog sa iyo,

30. pagwikaan mo ang hayop, ang mailap na Egipto;sabihan ang mga bansang parang torong may bisiro;hanggang sila ay sumuko, maghandog ng pilak sa iyo.Ang lahat ng maibigin sa digmaa'y ikalat mo!

31. Mula roon sa Egipto, mga sugo ay darating,ang Etiopia'y daup-palad na sa Diyos dadalangin.

32. Umawit sa Panginoon ang lahat ng kaharian,awitin ang pagpupuri't si Yahweh ay papurihan! (Selah)

33. Purihin ang naglalakbay sa matandang kalangitan;mula roo'y maririnig ang malakas niyang sigaw!

34. Ipahayag ng balana, taglay niyang kalakasan,siya'y hari ng Israel, maghahari siyang tunay;'yang taglay niyang lakas ay buhat sa kalangitan.

35. Kahanga-hanga ang Diyos sa santuwaryo niyang banal,siya ang Diyos ng Israel na sa tana'y nagbibigayng kapangyariha't lakas na kanilang kailangan.Ang Diyos ay papurihan!