Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 68:1-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Magbangon ka, O Diyos, kaaway ay pangalatin,at ang mga namumuhi'y tumakas sa kanyang piling!

2. Kung paano'ng yaong usok tinatangay noong hangin, gayon sila itataboy, gayon sila papaalisin;at kung paanong kandila sa apoy ay natutunaw,sa harap ng Panginoon ang masama ay papanaw.

3. Ngunit lahat magagalak, matutuwa ang matuwid;sa harapan nitong Diyos, galak nila'y di malirip.

4. Awitan natin ang Diyos, purihin ang kanyang ngalan,maghanda ng isang landas upang kanyang maraanan;ang pangalan niyang Yahweh, magalak na papurihan.

5. Ang Diyos na naroroon sa tahanan niyang templo,tumitingin sa ulila't sanggalang ng mga balo.

6. May tahanan siyang laan sa sinumang nalulungkot,ang bilanggo'y hinahango upang sila ay malugod;samantalang ang tirahan ng suwail ay malungkot.

7. Diyos, nang ang iyong mga lingkod samahan sa paglalakbay,sa pagbagtas sa malawak na lupaing mga ilang, (Selah)

8. ang lupa ay nayayanig, bumubuhos pati ulan; ganito ang nangyayari kapag ika'y dumaratal.Maging ang bundok ng Sinai, nayanig din sa pagdating,nang dumating na si Yahweh, itong Diyos ng Israel.

9. Dahil sa iyo, yaong ulang masagana ay pumatak,lupain mong natuyo na'y nanariwa at umunlad.

10. At doon mo pinatira yaong iyong mga lingkod,ang mahirap nilang buhay sa pagpapala'y pinuspos.

11. May utos na pinalabas na si Yahweh ang nagbigay,ang nagdala ng balita ay babaing karamihan;

12. ang balitang sinasabi: “Nang dahil sa takot, mga hari't hukbo nila'y tumatakas sa labanan!”Kaya ang mga babae na ang nagparte ng samsam.