Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 66:7-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Makapangyarihang hari kailanman,siya'y nagmamasid magpakailanman;kaya huwag magtatangkang sa kanya'y lumaban. (Selah)

8. Ang lahat ng bansa'y magpuri sa Diyos,inyong iparinig papuring malugod.

9. Iningatan niya tayong pawang buháy,di tayo bumagsak, di niya binayaan!

10. O Diyos, sinubok mo ang iyong mga hirang,sinubok mo kami upang dumalisay;at tulad ng pilak, kami'y idinarang.

11. Iyong binayaang mahulog sa bitag,at pinagdala mo kami nang mabigat.

12. Sa mga kaaway ipinaubaya,sinubok mo kami sa apoy at baha,bago mo dinala sa dakong payapa.

13. Ako'y maghahandog sa banal mong templong aking pangako na handog sa iyo.

14. Pati pangako ko, nang may suliranin,ay ibibigay ko, sa iyo dadalhin.

15. Natatanging handog ang iaalay ko;susunuging tupa, kambing, saka toro,mababangong samyo, halimuyak nito. (Selah)

16. Lapit at makinig, ang nagpaparangal sa Diyos,at sa inyo'y aking isasaysay ang kanyang ginawang mga kabutihan.

17. Ako ay tumawag, sa Diyos ay nagpuri,kanyang karangalan, aking sinasabi.

18. Kung sa kasalanan ako'y magpatuloy,di sana ako dininig ng ating Panginoon.

19. Ngunit tunay akong dininig ng Diyos,sa aking dalangin, ako ay sinagot.

20. Purihin ang Diyos! Siya'y papurihan,pagkat ang daing ko'y kanyang pinakinggan,at ang pag-ibig niya sa aki'y walang katapusan.