Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 66:4-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Ang lahat sa lupa ika'y sinasamba,awit ng papuri yaong kinakanta;ang iyong pangala'y pinupuri nila.” (Selah)

5. Ang ginawa ng Diyos, lapit at pagmasdan,ang kahanga-hangang ginawa sa tanan.

6. Naging tuyong lupa kahit na karagatan,mga ninuno nati'y doon dumaan;doo'y naramdaman labis na kagalakan.

7. Makapangyarihang hari kailanman,siya'y nagmamasid magpakailanman;kaya huwag magtatangkang sa kanya'y lumaban. (Selah)

8. Ang lahat ng bansa'y magpuri sa Diyos,inyong iparinig papuring malugod.

9. Iningatan niya tayong pawang buháy,di tayo bumagsak, di niya binayaan!

10. O Diyos, sinubok mo ang iyong mga hirang,sinubok mo kami upang dumalisay;at tulad ng pilak, kami'y idinarang.

11. Iyong binayaang mahulog sa bitag,at pinagdala mo kami nang mabigat.

12. Sa mga kaaway ipinaubaya,sinubok mo kami sa apoy at baha,bago mo dinala sa dakong payapa.

13. Ako'y maghahandog sa banal mong templong aking pangako na handog sa iyo.

14. Pati pangako ko, nang may suliranin,ay ibibigay ko, sa iyo dadalhin.

15. Natatanging handog ang iaalay ko;susunuging tupa, kambing, saka toro,mababangong samyo, halimuyak nito. (Selah)

16. Lapit at makinig, ang nagpaparangal sa Diyos,at sa inyo'y aking isasaysay ang kanyang ginawang mga kabutihan.