1. Sumigaw sa galak ang mga nilalang!
2. At purihin ang Diyos na may kagalakan; wagas na papuri sa kanya'y ibigay!Awitan siya't luwalhatiin siya!
3. Ito ang sabihin sa Diyos na Dakila:“Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga;yuyuko sa takot ang mga kaaway, dahilan sa taglay mong kapangyarihan.
4. Ang lahat sa lupa ika'y sinasamba,awit ng papuri yaong kinakanta;ang iyong pangala'y pinupuri nila.” (Selah)
5. Ang ginawa ng Diyos, lapit at pagmasdan,ang kahanga-hangang ginawa sa tanan.
6. Naging tuyong lupa kahit na karagatan,mga ninuno nati'y doon dumaan;doo'y naramdaman labis na kagalakan.
7. Makapangyarihang hari kailanman,siya'y nagmamasid magpakailanman;kaya huwag magtatangkang sa kanya'y lumaban. (Selah)
8. Ang lahat ng bansa'y magpuri sa Diyos,inyong iparinig papuring malugod.
9. Iningatan niya tayong pawang buháy,di tayo bumagsak, di niya binayaan!
10. O Diyos, sinubok mo ang iyong mga hirang,sinubok mo kami upang dumalisay;at tulad ng pilak, kami'y idinarang.
11. Iyong binayaang mahulog sa bitag,at pinagdala mo kami nang mabigat.