Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 64:7-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Subalit ang Diyos na may palaso ri'y di magpapabaya,walang abug-abog sila'y tutudlai't susugatang bigla.

8. Dahilan sa sila'y masamang nangungusap, kaya wawasakin,at ang makakita sa gayong sinapit sila'y sisisihin;

9. yaong nakakita'y sisidlan ng takot, ipamamalitaang gawa ni Yahweh at isasaisip ang kanyang ginawa.

10. Sa gawa ni Yahweh, ang mga matuwid pawang magagalak,magpupuri sila at sa piling niya ay mapapanatag.