Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 64:4-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Sa kublihan nila, sila'y nag-aabang sa mabuting tao,at walang awa nilang tinutudla sa pagdaan nito.

5. Sa gawang masama ay nagsasabwatan, nag-uusap sila,kung saan dadalhin ang patibong nilang di dapat makita.

6. At ang sasabihin pagkatapos nilang makapagbalangkas,“Ayos na ayos na itong kasamaang ating binabalak.”Damdamin ng tao at ang isip niya'y mahiwagang ganap!

7. Subalit ang Diyos na may palaso ri'y di magpapabaya,walang abug-abog sila'y tutudlai't susugatang bigla.

8. Dahilan sa sila'y masamang nangungusap, kaya wawasakin,at ang makakita sa gayong sinapit sila'y sisisihin;

9. yaong nakakita'y sisidlan ng takot, ipamamalitaang gawa ni Yahweh at isasaisip ang kanyang ginawa.

10. Sa gawa ni Yahweh, ang mga matuwid pawang magagalak,magpupuri sila at sa piling niya ay mapapanatag.